Wikang Filipino: Dangal, Husay, at Talino ng Kabataan

Wikang Filipino: Dangal, Husay, at Talino ng Kabataan

Pinagbuklod ng masiglang diwa ng pagiging Pilipino, ipinagdiwang ng Senior High School Department ang Buwan ng Wika 2025 noong Agosto 14, 2025 sa pangunguna ng Hirayaโ€™t Kampilan Club. Ang programa ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng ating sariling wika bilang haligi ng kultura at pagkakakilanlan.

Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Bb. Stephanie Gaviola. Kasunod naman nito ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Samantala, si Bb. Ivy S. Melorin ang nagpatnubay sa pambungad na mensahe.

Sumunod dito ang mga patimpalak na nagpakita ng galing at talino ng mga mag-aaral. Itinanghal na kampeon sa Quiz Bee ang STEM Strand, na siya ring nagwagi sa Sabayang Pagbigkas, na umantig at nagbigay-inspirasyon sa mga manonood.

Samantala, sa Spoken Poetry, itinanghal na kampeon si Bb. Eden Joyce Cobong, mula sa HUMSS strand, matapos niyang iparating sa kanyang tula ang masidhing pagmamahal sa wika at kulturang Pilipino.

Ang buong selebrasyon ay naging patunay na buhay na buhay ang diwa ng pagiging Pilipino sa puso ng bawat Josephinian.

#BuwanNgWika2025

#JosephiniansTranscend

________________________

Pahayag: Bb. Shandrae Belle Ponce | Tagapagpabatid ng Impormasyon sa SHSSG

Mga Larawan:

Bb. Atasha Romano | SHSSG Litratista

G. Cj Mikin | SHSSG Litratista