Saint Joseph College, August 27, 2025 – Isang makabuluhang pagtitipon ang ginanap ngayong araw bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Idinaos ang isang Banal na Misa alas-8:30 ng umaga sa Gymnasium ni Msgr. Mandia, na dinaluhan ng buong pamayanan ng paaralan.
Sa pamamagitan ng Misa, pinasalamatan ng mga guro, mag-aaral, at kawani ang Diyos sa matagumpay na paggunita ng Buwan ng Wika, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Higit pa rito, ang selebrasyon ay nagpaalala sa lahat ng kahalagahan ng pananampalataya at kultura bilang gabay sa pang-araw-araw na buhay ng mga kabataan at ng buong komunidad.
Ang tema ng Buwan ng Wika ay muling nagpatibay sa misyon ng paaralan na linangin ang diwa ng pagiging makabayan, maka-Diyos, at makatao.