HACBANG GYM โMagiliw na isinagawa ng SJC Elementary Department ang panapos na programa ng Buwan ng Wika 2025, ngayong araw, ika-29 ng Agosto, 2025, sa Bishop Hacbang Gym sa dakong alas 2:00 ng hapon.
Nagsimula ang programa sa pagtugtog ng Pambansang Awit. Pagkatapos ay sumunod naman ang panalangin na pinangunahan ni Binibining Julia Alannah B. Polea, at ang pagtugtog ng Pampaaralang Awit ng Saint Joseph College.
Sumunod naman ang pagtatanghal ng mga mag-aaral na pormal na pinakilala ni Guro Melody A. Bulayog na gumanap sa isang introductory at educational na skit patungkol sa kahalagahan sa sariling wika. Nagsimula ito sa isang rendisyon ng isang sikat na kanta patungkol sa ating lahi bilang isang Pilipino, ang Ako’y Isang Pinoy na inawit nina Binibining Mendy Chloe D. Duazo at sinaliwan sa piyano ni Aisla Juliane B. Enciso. Sa ikalawang palabas ay sumunod naman ang pagsayaw ng ‘Leron Leron Sinta’ ng Unang Baitang – St. Elizabeth. Sumunod naman ang Isang tula ni Ginoo Yohan Rayleigh P. Montaรฑo ng Ikalimang Baitang – St. Ezekiel Moreno. Isang sayaw na halaw sa kantang ‘Saranggola ni Pepe’ mula sa mga estudyante ng Isang Baitang – St. Martin de Porres ang sumunod na itinanghal, bago ang pagtatanghal ng ‘Balak’ ni Ginoo Jericho T. Kuzmicki ng Ikalimang Baitang – St. Ezekiel Moreno.
Sa ikawalang parte ng programa ay isinagawa ang iba’t-ibang presentasyon ng katutubong sayaw na nagpapakita at nagpamalas ng mga estudyante sa kanilang angking talento at pagkamalikhain sa sining. Unang gumanap ay ang Ikalawang Baitang – St. Pio of Pietrelcina na itinanghal ang katutubong sayaw ng mga sebwano na ‘Si Pilemon’, sumunod ang ‘Waray-Waray’ ng Ikalawang Baitang – St. Gregory the Great. Ang ‘Manobo’ ng Ikalimang Baitang – St. Ezekiel Moreno at ‘Sidlak’ ng Ikalimang Baitang – St. Bartholomew.
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng Pagkaloob ng Parangal ang Punong Guro ng Elementary Department sa mga nanalo sa samu’t-saring contest. Ang mga nanalo naman ay pinatanghal muli ang kanilang nanalong piyesa. Sumunod naman ang panapos na pagtanghal ng isang pampinid na kanta na ini-awit ni Binibining Xhyri Ayn Ellice J. Paco ng Ika-anim na Baitang – St. Paul. Bago nagtapos ang programa ay may photo op muna ang mga guro, mag-aaral at mga magulang mula sa ginanap na kulminasyon ng Buwan ng Wika. Ang pagdiriwang na ito sa ating mahal na Wika at Sining ay nagpapakita at nagpapahalaga sa Kultura, at Nakaraan ng Ating Inang Bayan na Pilipinas.
_____
Words: Anthony Lompot | The Josephinian