๐Š๐š๐›๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐†๐ข๐ญ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง

๐Š๐š๐›๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐†๐ข๐ญ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง

Ngayong unang araw ng Agosto, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral sa kolehiyo para sa pag-aalay ng isang Banal na Misa na parangal sa Kabanalbanalang Puso ni Hesus at sa pag-alala kay San Alfonso Maria Ligorio, Obispo at Pantas ng Simbahan. Ang misa ay ini-alay ni Reverendo Monseรฑor Oscar Cadayona, Presidente ng Paaralan at ng mga kasamang kapari-an.

Kaalinsabay rin ng araw ng pagdedebosyon sa Sagrado Corazรณn ay ang unang araw ng isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, kaya ipinagdiwang ang Banal na Misa sa wikang Filipino.

Binigyang diin ni Monseรฑor Cadayona na minsan sa buhay ng tao, ang banal at kabanalan ay nakikita at nakakasalamuha natin sa mga pangkaraniwang bagay at pangyayari, at ang isang sapat na pananampalataya ang siyang kinakailangan upang makamit ang mga pagpapala at biyaya na nagmula sa Panginoon.

Bagamat tirik na tirik ang araw sa buong pagdiriwang, hindi ito tuminag sa pananampalataya at debosyon ng mga mag-aaral sa Banal na Puso ni Jesus at sa kanyang presensiya sa Banal na Eukaristiya.

#TheJosephinian

#TheJMAG

#JosephiniansTranscend

_____

Words: John Russel Manlangit | The Josephinian

Photos: Manuel Francis Corollo | The Josephinian

Matthew Tagra | The Josephinian

Dunstan Louis Angub | The Josephinian